Nagpapahanap na raw ng potential talents ang politikong si Luis "Chavit" Singson ng mga babaeng maaaring isama sa isang bubuuing all-female pop group na ilulunsad sa South Korea.

Isasakatuparan ito sa pamamagitan ng kaniyang LCS Entertainment Group at LCS Group Korea, ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

Naging matagumpay kasi ang “DreamMaker” ng ABS-CBN at isang talent management agency sa SoKor na bumuo sa grupong "Hori7on."

Excited na raw ang LCS Entertainment Group na bumuo ng female counterpart ng nabanggit na all-male pop group.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naniniwala ang kompanya na maraming mga Pilipino ang may mahuhusay na talento at posibleng maging global phenomenon.

Magbubukas daw ang audition sa darating na Nobyembre, mula sa edad 13 hanggang 22-anyos, mahusay sa pag-awit, pagsayaw at pag-rap, at handang sumabak sa matitinding training.