Matapos ilunsad ang Threads app, nag-tweet si Meta chief executive at Facebook founder Mark Zuckerberg ng isang “meme” tungkol sa dalawang Spiderman cartoon na tinuturo ang isa’t isa.
Ang naturang tweet nitong Huwebes, Hulyo 6, ang pinakaunang Tweet ni Zuckerberg mula Enero 2012.
Ipinakahulugan naman ng mga netizen ang dalawang spiderman bilang ang Twitter at ang kapwa text-based social media platform na Threads.
“Mark Zuckerberg just made his first tweet in 11 years and it’s a shade to Twitter Really interesting times ahead! ,” komento ng isang netizen sa naturang tweet.
“I can’t believe Mark actually tweeted this, this is hilarious ,” saad naman ng isa.
“Can’t wait to see this fight happen,” hirit pa ng isang netizen.
Nito lamang ding Huwebes nang ilunsad ng Meta ang Threads na itinuring ni Zuckerberg bilang “open and friendly public space for conversations.”
MAKI-BALITA: Meta, inilunsad ‘Threads’ app na pantapat daw sa Twitter
Makalipas lamang ang pitong oras, ibinahagi ni Zuckerberg na mayroon nang 10 milyon ang nag-sign up sa naturang app.
MAKI-BALITA: ‘Makalipas lamang ang 7 oras’: ‘Threads’ app, may 10M users na – Zuckerberg