Nagpahayag ng pagluluksa ang ABS-CBN at ABS-CBN News sa pagpanaw ng beteranong entertainment news reporter na si Mario Dumaual, at sinabing nag-iwan ito ng legasiya sa industriya ng pamamahayag.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules ng gabi, inihayag ng ABS-CBN at ABS-CBN News na labis silang nalulungkot sa pagpanaw ng isa sa kanilang mga beteranong reporter.

“In the more than three decades that Mario was part of the ABS-CBN News team, he became a pillar of entertainment news reporting and an esteemed mentor to his colleagues,” anang ABS-CBN.

“An excellent and passionate journalist, a loyal and dedicated friend, and a devoted family man, Mario leaves a lasting legacy to the industry.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Thank you, and farewell to our Kapamilya, Mario Dumaual,” saad pa nito.

Pumanaw si Dumaual nitong Miyerkules, Hulyo 5, sa edad ng 64. Kamakailan lamang ay napabalitang inatake siya sa puso.