Ibinahagi ng aktres na si LJ Reyes ang isang larawan kung saan tila nasa loob sila ng isang video conferencing para sa wedding planning nila ng fiancé na si Philip Evangelista.

Flinex ni LJ sa kaniyang Instagram story ang screenshot ng kanilang video call kasama ang sikat na make-up artist na si Mikka Marcaida at isang staff na taga Nice Print Photography. Hindi naman nakita ang halos kalahati ng mukha ni Philip.

"Wedding planning for my sissy @lj_reyes and sir Phil," mababasa sa text caption ng nagbahagi nito na kasama sa wedding planning, na siyang ibinahagi naman ni LJ.

Screenshot mula sa IG ni LJ Reyes

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Matatandaang marami ang nagulat sa Facebook post ng Kapuso actress at dating karelasyon ni Paolo Contis na si LJ matapos niyang ipakita ang mga litrato ng kaniyang engagement sa non-showbiz boyfriend.

“For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope. Jeremiah‬ ‭29‬:‭11‬ ‭NLT," caption ni LJ mula sa isang bible verse.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga netizen para sa kaniya dahil deserve na deserve daw niya ito; finally ay magiging misis na siya!

MAKI-BALITA: LJ Reyes, engaged na!

Samantala, bukod sa wedding planning stage ay wala pang kahit na anumang detalyeng isinasapubliko si LJ tungkol sa kasal.