Kung may "napakagandang naglalakad na basahan" man, iyan ay walang iba kundi ang Kapamilya star at "It's Showtime" host na si Kim Chiu, matapos niyang i-flex ang kaniyang OOTD suot-suot ang iba't ibang klase ng basahan at retasong ginagamit sa paggawa ng floor mat.

"𝐁𝐀𝐒𝐀𝐇𝐀𝐍 at 𝐑𝐄𝐓𝐀𝐒𝐎. 'Basura man sa inyong paningin, may magmamahal at magmahal din.' Category is “panglinis” Avant Garde!" anang Kimmy habang todo-postura sa kaniyang outfitan.

"Thank you @_ha.mu_ for this beautiful creation! Very Melanie Dela Cruz. Thank you @adrianneconcept for styling me and @miss.vince_ @jakegalvez @haidzfernandez ," pasasalamat ni Kim sa lumikha ng damit at glam team na nag-ayos sa kaniya.

Ginawa ito ni Kim para sa promotion na rin ng bago niyang mini series na "Fit Check: Confession of a Ukay Queen" na mapapanood sa Prime Video ngayong Hulyo 6.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Samantala, bet na bet naman ng madlang people at madlang netizens ang outfitan ni Kimmy.

"Grabe you look amazing mhie!"

"Ang gandang basahan naman!"

"Puwede naman palang maging fazhion statement ang basahan!"

"Grabe, baka pag ako ang nagsuot niyan, gawin akong door mat."