Mahigit na sa ₱867 milyong halaga ng tulong ang naipamahagi na sa mga residenteng naapektuhan ng oil spill na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro kamakailan.

Ito ang isinapubliko ng Office of the Civil Defense (OCD) nitong Huwebes at sinabing kabilang sa nakinabang sa nasabing tulong ang 42,487 na pamilyang nasa Mimaropa (Region 4B), Calabarzon (Region 4A) at Western Visayas.

Pagkatapos ng oil spill removal operation, paghahandaan din ng gobyerno ang pagsasagawa ng post-disaster needs assessment (PDNA) para sa rehabilitasyon ng mga komunidad na nasira at naapektuhan ng trahedya.

“We appreciate the efforts of everyone involved in this operation. As we now transition into the next phase of our mission – to ensure the recovery and rehabilitation of all affected communities and sectors, let’s continue our whole-of-nation approach for this,” pahayag pa ni OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno matapos makipagpulong sa mga miyembro ng National Task Force on the Oil Spill Management sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Probinsya

69-anyos senior citizen, timbog sa iligal na droga

Matatandaang lumubog ang nasabing oil tanker habang patungong Iloilo mula sa Bataan matapos hampasin ng malalaking alon sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28, 2023.