Makatatanggap na ng performance-based bonus (PBB) ang mga guro sa mga susunod na linggo.

Ito ang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes at sinabing maibibigay ang nasabing 2021 PBB sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Malaca<b>ñang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'</b>

Sa panayam sa radyo, ipinaliwanag ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, hinihintay na lamang nilang maiharap ng 15 rehiyon ang revised form na hinihingi ng Department of Budget and Management (DBM) bago maibigay ang PBB.

Sa ngayon aniya, limang rehiyon pa lamang ang nakapagsumite sa DBM ng Form 1.0 ng school-based personnel.

Kabilang sa limang rehiyon ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon (Region 4A), at Mimaropa (Region 4B).

Mauuna aniyang tatanggap ng PBB ang mga guro sa Metro Manila matapos maglabas ng special allotment release order (SARO) at notice of cash allocation (₱950,942,317) ang DBM para sa mga eligible school-based personnel nito.