Ex-Malacañang official, nanumpa na bilang bagong DSWD assistant secretary
Nanumpa na sa kanyang tungkulin ang isang babaeng itinalaga na bagong opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Huwebes.
Mismong si DSWD Secretary Rex Gatchalian ang nagpanumpa kay Ana Maria Paz Rafael bilang assistant secretary ng ahensya.
Isinagawa ang oath-taking ceremony sa DSWD Central Office sa Batasan, Quezon, City.
Si Rafael ay dating Presidential Communications Assistant Secretary for operations and special concerns sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Dati ring naging alkalde ng Natonin, Mountain Province si Rafael.