"Just do good things and good will come to you."
Iyan ang napagtanto ng netizen na si "Beatriz Nicole" matapos niyang ibahagi sa social media ang kaniyang naranasan sa isang restaurant kung saan siya kumain ng almusal.
Hindi siya makapaniwalang binayaran ang kaniyang bill ng isang pamilyang naka-engkuwentro niya sa isang klinika, gayundin sa nabanggit na restaurant. Kuwento ni Beatriz, nagmamadali siyang magpunta sa Pancake House upang kumain ng agahan dahil gutom na gutom na siya. Nag-fasting daw siya para sa kaniyang Annual Physical Exam. Kasabay raw niya ang isang babaeng mahihinuhang nanay, kasama ang kaniyang anak na babae.
"I thought that these things only happen on social media. It's really true that even with the simplest things, people will still return the favor with a great blessing," saad niya sa kaniyang viral Facebook post noong Hunyo.
"Earlier today I had my Annual Physical Exam and saw this woman that was in the clinic with her daughter who was there with her for some testing. I finished early and went straight to Pancake House to have breakfast since I fasted for 10 hours and I am really really hungry."
"Luckily, I was able to take the last available table at the restaurant."
Makalipas daw ang limang minuto, dumating din sa nabanggit na restaurant na pinagkakainan ang nakasabay na mag-ina, ngunit kasama na ang isang lalaki, na mahihinuhang padre de pamilya. Ngunit dahil wala nang bakante para sa pantatluhang tao, willing na lamang daw maghintay ang tatlo para sa mga makakatapos kumain.
Kaya kinausap daw ni Beatriz ang manager at nagpahanap ng puwesto para sa solong kagaya niya. Pero dahil nga kumakain na siya, sinabi ng manager na huwag na at tapusin na lamang ang kaniyang pagkain. Hayaan na lamang daw ang bagong dating na customers na maghintay ng mababakanteng mesa at upuan.
"Five minutes later I saw the woman arrive at pancake house with her daughter and husband and was waiting to be seated."I told the manager that I would be willing to offer my table for them and that I wouldn't mind sitting on the other designated dining area instead.The manager insisted that it's okay not to give up the table."
"The dad asked her daughter, 'Anak, do you want Starbucks instead?' And the daughter replied, 'No, dad.' Then the mom said, 'Okay, let's just wait here.'"
Nang marinig daw ito, muling kinausap ni Beatriz ang manager upang magpalipat at nang makaupo't makakain na rin ang mag-anak.
"After overhearing the conversation, I once again spoke to the manager and insisted that they have my table. They felt appreciation for my kind gesture and thanked me for offering my table to them," aniya.
Nang matapos na raw kumain si Beatriz at kinukuha na ang bill, sinabi sa kaniya na bayad na raw ang kaniyang kinain.
"Fast forward. When I was about to bill out, I received this note. I was really amazed and touched with what happened to me today and so I just wanted to share this story."
Mababasa sa nabanggit na note na "I would like to pay for the bill of the lady beside us. Please tell her bill has been paid," na isinulat sa tila pinilas na karton.
Kaya masayang-masaya ang puso ni Beatriz dahil sa nangyari. Nagkataon pang kaarawan niya nang mga sandaling iyon.
"Today is my birthday and my bill was close to 600 pesos and it wasn't exactly cheap but they still pay for it. I had strong faith to know that God sent this family to bless me and make me happy on my special day."
"A wise man once said, 'All the kindness you put out there,will always find a way to come back to you.'"
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Beatriz, sinabi niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Hindi raw siya nakapagpasalamat nang maayos sa kanila dahil umalis na kaagad sila.
Dati raw kasi, buong akala niya'y "gimmick" lamang ang mga ganoong nababasa niya sa social media upang maging viral at "magpasikat."
"I was surprised po talaga kasi wala na sila that time. So when the waitress handed me the bill iyon ang bumungad sa'kin. Dati kasi everytime nakaka ita ako nang ganon sa social media, akala ko gawa-gawa lang 'yon ng mga tao for it to go viral."
"Not knowingly sa 'kin mangyayari 'yon same day pa ng birthday ko."
Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais daw niyang makilala ang pamilyang gumawa nito sa kaniya.
"I really want to know kung sino po 'yong nag-help sa'kin that time kaya thankful din po ako may nag-feature ng post ko hehehe. Thanks for asking po it would really help me to find yung family," aniya pa.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!