Tila nagbabadyang malapit na ang pagbabalik-telebisyon ni Wowowin host Willie Revillame matapos niyang ibahagi sa opisyal na social media accounts ng kaniyang programa ang isang music video.

Ang nabanggit na music video ay pinamagatang "Babalik Ako!" na isinulat mismo ni Willie, at nilapatan ng musika ni Vehnee Saturno.

"Sa Programa ng Bawat Pilipino Kayo ang Bida Dito. Abangan," caption ni Willie.

Sa thumbnail, tila makikita ang isang lalaking nakasuot ng puting damit, nakaupo at nakatalikod, na mahihinuhang si Willie.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sa lyrics ng awitin, sinabi ni Willie na namimiss na niyang marinig ang mga hiyawan at palakpakan.

Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita

Palakpakan at hiyawan ay nami-miss ko na

Mga yakap ninyo ay nais nang muling madama

Ako’y nasasabik kayo ay makasama

Ang buhay ko’y laan para sa inyo

Magbibigay-saya mula sa puso ko

Babalik ako, ligaya na sa puso ang mapasaya kayo

Babalik muli upang magsama-sama tayo

Ako’y ganyan sa inyo.

Marami nang pagsubok ang nalagpasan

Akala ko ay hindi ko na ito makakayanan

Kapag naiisip ko mga sigaw ninyo at tawanan

Muli lumalakas ang aking kalooban

Ang buhay ko ay laan para sa inyo

Magbibigay-saya mula sa puso ko

Babalik ako

Ligaya na sa puso ang mapasaya kayo.

Babalik muli upang magsama-sama tayo.

Ako’y ganyan sa inyo

Muli ay may liwanag

Muli ay may pag-asa sa bawat Pilipino

Magbibigay-saya

Muli’y naririto at makakasama

Ang handog ko ay ligaya at saya

Matatandaan kasing kinansela na ni Willie ang kontrata nito sa ALLTV matapos makakuha ng mababang viewership. Kaya ang malaking tanong, saang network kaya babalik ang Wowowin?

MAKI-BALITA: Willie Revillame, lalayas na raw sa ALLTV?

Kamakailan lamang, inispluk ni Cristy Fermin na inalok umano si Willie na mag-guest sa "Eat Bulaga!" ng TAPE na umeere sa GMA Network, pero tumanggi siya bilang respeto sa TVJ.

Ngunit kung ang pag-uusapan daw nila ay patungkol sa Wowowin, mukhang handang upuan at makipag-usap ni Willie sa mga Jalosjos.

MAKI-BALITA: Willie, willing makipag-usap sa mga Jalosjos para sa Wowowin?

Isa pang tanong ng mga netizen, kung sakaling babalik nga si Willie, makikipagsabayan din kaya ito sa noontime o kagaya ng time slot nito noong nasa GMA Network pa siya?

Iyan ang mga dapat abangan ng publiko sa mga susunod na araw.