Tinatayang 47% ng mga Pilipino sa bansa ang nagsabing “halos wala” o “wala” silang kaalaman tungkol sa Maharlika Wealth Fund (MWF), ayon sa Social Weather Station (SWS) nitong Huwebes, Hulyo 6.

Sa tala ng SWS, nasa 5% lamang umano ang mayroong malawak na kaalaman hinggil sa MWF.

Samantala, 15% ng mga Pinoy ang nagsabing mayroon silang bahagya ngunit sapat na kaalaman sa naturang fund, habang 33% ang mayroon lamang daw kaunting kaalaman hinggil dito.

“The percentage of those with at least partial but sufficient knowledge about the MWF was higher in Metro Manila at 29% (7% extensive and 22% partial but sufficient) and Balance Luzon at 24% (5% extensive and 19% partial but sufficient) than in the Visayas at 14% (5% extensive and 9% partial but sufficient) and Mindanao at 10% (3% extensive and 7% partial but sufficient),” anang SWS.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Isinagawa umano ang nasabing survey mula Marso 26 hanggang Marso 29 sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, at may sampling error margin na ±2.8%.