Hindi raw bukas ang award-winning GMA News journalist na si Jessica Soho sa posibilidad na maitampok at makapanayam niya si Unkabogable Star Vice Ganda, sa kaniyang award-winning news magazine program na "Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS)."

Iyan ang ispluk ni Cristy Fermin na batay naman daw sa kaniyang mapagkakatiwalaang source.

"I'm sure 'Nay, Ms. Jessica Soho will decline. Pinsan ko ang make-up artist ni Ma'am Jessica, ayaw niya," sey raw ng impormante ni Cristy.

"Hayan dito ninyo na po narinig, ayaw ni Jessica Soho na mag-guest sa kaniyang programa si Vice Ganda," anang Cristy.

National

Mga pamilyang nabiktima ng ‘common crimes’ nitong Q3, pinakamataas mula Sept. 2023

Matatandaang sumama ang loob ni Jessica kay Vice nang gawin siyang katatawanan ng huli sa concert ng komedyante-TV host na "I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta" noong 2013.

Sa paglipat ng It's Showtime sa GTV, may sinabi si Vice na may bet siyang GMA show na nais niyang maging guest.

Ipinagpaalam na raw niya kay ABS-CBN Chief Operating Officer (COO) Cory Vidanes ang tungkol sa bagay na ito. Sasabihin daw ito sa big bosses at baka magawan ng paraan.

"Gusto ko lang lumabas sa programang ito. Kung uubra lang. Sana mag-guest ako sa show na ito," ani Vice.

"Feeling ko ang daming nag-aabang no'n. Feeling ko ang daming excited. Ang dami ring mga umiikot ang pwet at curious kung puwede kaya s'yang mag-guest dun. Makakapag-guest kaya siya do'n? I-invite kaya siya doon? What if mag-meet sila?" ani Vice.

Hindi naman tinukoy ni Vice kung anong show ito, ngunit malakas ang paniniwala ng mga netizen na bukod sa "Fast Talk with Boy Abunda," malamang daw ay sa KMJS, upang nang sa gayon ay magkaroon ng closure ang mga nangyari noon.

Wala pang tugon, reaksiyon, o kumpirmasyon mula mismo kay Jessica Soho kung may katotohanan ba ang na-ispluk ng source ni Cristy.

MAKI-BALITA: Vice Ganda todo-pasalamat sa GTV, bet maging guest sa isang GMA show