Ibinahagi ng aktres na si Sunshine Dizon na 40 taong gulang na siya matapos ipagdiwang nang tahimik ang kaniyang kaarawan.
Mababasa sa kaniyang Instagram post noong Hulyo 3, 2023 ang kaniyang birthday message para sa sarili, sa mga kaibigan at tunay na nagmamahal sa kaniya, gayundin sa mga taong humuhusga sa kaniya.
Birthday ni Sunshine noong Lunes, Hulyo 3, 2023.
"So as they say, life begins at forty. Guess will be doing that starting now. Thank you for all the love and support. Promise that no matter how others may have painted a different picture of me, I will always strive to be a better human being in spite of and despite of," aniya.
"Thank you to those who has never left my side. To those who continued to believe. And to those who have judged me unfairly, believe me when I say I will be vindicated. And when that day comes I pray you find peace knowing you intentionally ruined one’s name for your own gain."
"I pray you sleep soundly at peace at night knowing 'the all knowing' knows the truth. Bilog ang mundo minsan sa taas minsan sa baba. Matutong sumabay sa agos ng buhay importante wala kang tinapakan at niyurakan," makahulugang pahayag ni Sunshine.
"Now that I'm forty the best thing I learned from life is choose your friends wisely and who you allow to come in your circle cause you never know when you’re actually raising a snake you treated as more than a family but will eventually swallow you whole."
"Ask while I can still smile because I'm blessed, you can never put a good woman down," aniya pa.
Matatandaang isa sa mga napag-usapan ng co-hosts na sina Cristy Fermin at Romel Chika sa May 16 episode ng "Cristy Ferminute" ay ang kasong estafa laban sa aktres na si Sunshine Dizon at kaniyang umano'y business associate na si Jonathan Rubic Dy.
Ayon sa ulat ng PEP published nitong Mayo 15, sinampahan ng kasong estafa ang aktres at ang kasosyo nitong si Jonathan dahil sa mga tumalbog na tseke raw na inisyu sa kanila ng mag-asawang nag-invest para sa online sabong.
Batay umano ito sa kopya ng resolusyon ng Provincial Prosecution Service sa Daet, Camarines Norte na may petsang Marso 23, 2023, na pinirmahan nina Associate Provincial Prosecutor Indira Napicol-Martirez, at aprubado ni Provincial Prosecutor Evillo Pormento.
Inireklamo umano sina Dy at Sunshine ng magkaibigang Rogelio Fonacier at Benedicto Padua matapos silang aluking mag-invest ng tig-₱5M sa nabanggit na negosyo, subalit hindi nila nakuha ang mga ipinangako ng dalawa sa kanila.
Kaya naman, sey ni Cristy, sana raw malagpasan ni Sunshine ang kinahaharap na problema niya ngayon dahil hindi ito biro.
Sa ngayon daw ay tahimik ang aktres sa kaniyang mga pinagdaraanan. Wala ni isang post o status sa social media patungkol dito.
"Sana si Sunshine mai-ayos ang kaniyang mga problema. Hindi simple ito. Hindi simple itong pinaroroonan niyang problemang ito. Grabe!" wish na lamang ng batikang showbiz news insider para sa mahusay na aktres.
Sa kasalukuyan ay wala pang balita kung natuloy ba ang kaso o naayos na ba ito.
MAKI-BALITA: Cristy Fermin, wish na malusutan ni Sunshine Dizon ang kasong estafa laban sa kaniya