Viral na ang open letter ni Kapuso actor Rocco Nacino para sa isang ocean park na pasyalan sa Maynila, na makikita sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Hulyo 3, 2023.

Disclaimer ni Rocco, ginawa niya ang FB post "for the safety of your customers and for the welfare and security of Manila Ocean Park."

Personal daw itong naranasan ni Rocco at ng kaniyang pamilya sa parking area ng nabanggit na ocean park noong Hulyo 2, 2023.

"Yesterday, July 2, we visited Ocean park with my family. We were 2 cars and since it was a hectic day, we brought a driver with us. As he brought us to the drop off area where my parents were waiting for us, everything went smoothly and I instructed our driver to head to the parking area of Ocean Park and rest for a while."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"While we were inside, our driver took a nap and turned off the engine of the car. Since hindi sanay matulog sa car, mababaw ang tulog niya."

Maya-maya raw, napansin ng driver na may dalawang kotseng nag-park at lumabas ang pitong indibiduwal sa loob nito. Pagbaba raw ng mga ito, sumilip ang ilan dito sa kotse ni Rocco.

Nagtulog-tulugan naman ang inupahang driver ni Rocco subalit nakamanman siyang mabuti.

"A little later, two cars parked in front of him, and out came seven individuals, 5 of them male and 2 female. They started circling around the car, slowly peeping inside. Obviously looking for something. Our driver got nervous and started to fake his sleep, but he was slowly watching them. He heard from one of the men, saying, 'May tao ba? May makukuha ba?' Which the woman replied, 'Meron pala, natutulog.'"

"They started to exchange looks kung itutuloy nila o hindi. But then chose to drive away na lang."

"If my driver wasn't there, basag ang windows ko niyan, kinuha na lahat ng valuables sa loob lalo na at kitang kita na maraming baby stuff inside."

"If pumalag ang driver ko, most probably may baril ang mga lalaki na de kotse pa."

"Posting this not to bash ocean park. But please, bump up your security. Increase roving around the parks inside and outside the park. Please invest on your security, lalo na maraming tourists na dumadalaw sa park and hotels."

Kaya malaking pasasalamat ni Rocco na walang nangyaring masama sa kanila.

"Napakswerte namin nung araw na iyon. I was supposed to withdraw some money and lock in in the compartment. Buti nalang hindi ko tinuloy. Kapag napagtripan kami, at nabuksan yun, goodbye pera."

Kaya babala ni Rocco sa mga bumibisita sa Manila Ocean Park, "For the families visiting Manila Ocean Park, PLEASE DO NOT LEAVE ANY VALUABLES INSIDE YOUR CAR. Mabuksan man nila, basta wala sila makuha na valuables."

"Stay safe everyone. Di na biro ang mga nilalang na gumagawa ng masama, kung ano man ang rason nila para gawin iyon. Karma na lang bahala sa kanila. Pero sana marealize nila kapag tinuloy nila mga gawain nila, napaka-traumatizing sa mga families ang ginagawa nila."

"To everyone reading this, please share to friends na may balak pumunta ng ocean park."

At mensahe naman ni Rocco sa pamunuan ng Ocean Park, "Ang laki-laki ng kinikita n'yo Ocean Park, invest naman kayo in safe parking spaces and number of security guards. Stay safe everyone."

Nagkomento naman dito ang Kapuso singer na si Maricris Garcia.

"Thank you for posting this, we have plans of going there pa naman," aniya.

"Maricris Garcia Cruz buti na lang you read this! Magdriver kayo kung sakali at wag niya iwan yung car n'yo," ani Rocco.

Naka-tag ang opisyal na FB page ng ocean park sa open letter post ni Rocco.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng Manila Ocean Park hinggil dito.