Isasama na sa Pantawid Pilipinong Pamilya Program (4Ps) ang makukumbinsing street dwellers o palaboy.
Ito ang pinag-aaralan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasunod na ng paglulunsad ng "Oplan Pag-Abot" o ang proyektong may layuning tanggalin ang mga naninirahan sa lansangan at isailalim sa kustodiya ng ahensya.
Binigyang-diin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng database kaya bibigyan ang mga palaboy ng identification card at kukunan ng biometrics.
"Sana sa ID na iisyu ng DSWD ay magiging unang hakbang na ito sa pagiging unang step for getting those identifications later on. Pangalawa, importante ay bumuo tayo ng database, at bakit tayo bumuo ng database ay para maunawaan natin kung saan at bakit at ano ang istorya ng mga pamilyang ito," paliwanag pa ni Gatchalian.
National
50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists
Aniya, ang pagbibigay ng proteksyon sa mga palaboy ay pangunahing layunin ng programa bukod pa rito, bibigyan din sila ng hanapbuhay o negosyo para muling makapagsimula sa kanilang pinagmulang probinsya.