Usap-usapan ang naging hirit ni Unkabogable Star Vice Ganda sa isang episode ng "It's Showtime" noong Hulyo 3, 2023 kung saan mapapansing tila malaman ang biro nito tungkol sa "Poblacion."

Ang Poblacion ay isang barangay sa Makati City kung saan naroon ang bar na pinangyarihan ng kinasangkutang gulo ng komedyante-TV host na si Awra Briguela noong Hunyo 29, 2023, na naging dahilan upang makulong ito.

Kinasuhan si Awra ng physical injuries, disobedience to authority at iba pa at pansamantalang nadetine sa presinto. Pansamantalang nakalaya ito matapos magpiyansa umano ng ₱6,000.

Si Awra, ayon kay Ogie Diaz, ay alaga ni Vice Ganda bilang talent manager.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naipasok ni Meme ang kaniyang hirit dahil sa pag-chant ng co-host na si Anne Curtis, na aniya ay pang-Poblacion daw. Napansin daw ng mga netizen na para bang iritable ang tono ng komedyante-TV host.

Napansin ng mga netizen na tila iritable ang tono ni Vice Ganda nang humirit ito patungkol sa Poblacion.

“Ang ganda. Ang ganda ng chant, pang-Poblacion," ani Vice.

Nang mapagtanto ni Anne ang tungkol sa Poblacion, napahawak na lang siya rito.

“Pang-street party ‘di ba?” dagdag pa ng Unkabogable Star.

https://twitter.com/_iamnatenate/status/1675720032280788992

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay nananatiling tahimik si Vice patungkol sa nangyari sa kaniyang alaga at anak-anakan.

Si Awra naman, simula nang makapagpiyansa at makalabas sa kulungan, ay wala pang update sa kaniyang social media accounts.

MAKI-BALITA: Private: Awra Briguela, arestado matapos masangkot sa isang kaguluhan sa Makati

Ang huling tweet niya ay noong Hunyo 27 bago maganap ang gulo. Ayon sa mga netizen, ang tweet na ito ay "parinig" daw sa ex-boyfriend ng kaibigang si Andrea Brillantes, na si Ricci Rivero.

https://twitter.com/AwraBriguelaaa/status/1673619027518947328