
(Manila Bulletin File Photo)
Marcos sa mga smuggler: 'Bilang na ang araw n'yo!'
Binalaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga smuggler sa bansa.
Nangako si Marcos na tutugisin nito ang mga smuggler at hoarder at sinabing hindi siya papayag na maipagpatuloy pa ang illegal na gawin ng mga ito.
Dahil aniya sa mga ito, nagiging miserable ang buhay ng mga Pinoy.
Paliwanag ng Pangulo, iniutos na niya sa Department of Justice (DOJ) na mag-imbestiga sa usapin ng pagpupuslit ng sibuyas sa bansa.
“’Yun ang aming…direksyon dito sa pag-imbestiga na ito. Kaya’t hindi natin basta’t pababayaan ito dahil may ginugutom na Pilipino. May namamatay from starvation and poverty (na) Pilipino dahil sa kanilang ginagawa,” pagdidiin ni Marcos nang kapanayamin sa dinaluhang Livestock Philippines Expo 2023 sa Pasay City nitong Miyerkules.
“Hindi maaari nilang ituloy ‘yung kanilang ginagawa. Tama na ‘yan at titigilin na natin ‘yung kanilang masasayang ginagawa dati," dagdag pa ni Marcos.