Naabot na at nalagpasan pa ng Bureau of Customs (BOC) ang koleksyon target nito nitong Hunyo sa kabila ng pagbaba ng dami ng kabuuang angkat nito.

Ito ang isinapubliko ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio at sinabing umabot pa sa ₱74.861 bilyon ang kanilang koleksyon, lagpas sa itinakdang target na ₱74.721.

Nasa ₱434.169 bilyon ang kita ng ahensya sa loob ng unang anim na buwan ng 2023, lagpas din ng 3.2 porsyento sa puntirya na ₱420.66 bilyon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“The increase in revenue was achieved despite the challenges in importation volume, which is negative 2.8 percent this year for high-value commodities,” anang opisyal.

Idinagdag pa ng opisyal na resulta lamang ito ng pinaigting nilang kampanya laban sa smuggling sa bansa.

Chino Leyco