Nagbahagi ang Masungi Georeserve ng mga larawan ng namumulaklak na Molave ​​tree, isang kaaya-ayang puno na kasalukuyang nasa listahan na umano ng endangered species.

“The Molave tree (𝘝𝘪𝘵𝘦𝘹 𝘱𝘢𝘳𝘷𝘪𝘧𝘭𝘰𝘳𝘢), a karst specialist species, and its elegant lavender-colored flowers thrive in Masungi's limestone ecosystem,” anang Masungi sa kanilang social media post nitong Martes, Hulyo 4.

“With roots delving deep into limestone crevices, this flora species is known for its inherent strength and resilience.”

Sa kasamaang palad, ayon sa Masungi, kasalukuyang nasa listahan ng “endangered species” ang Molave Tree dahil umano sa "over-harvesting" at "deforestation."

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“As stated by the National Museum of the Philippines, forests atop limestones boast mesmerizing plant diversity and endemism. Protecting landscapes like Masungi not only preserves their beauty but also safeguards biodiversity, including species that cannot be found anywhere else,” saad ng Masungi. 

“Through our conservation efforts in Masungi and its surrounding watershed areas, we aim to increase the population of the Philippine-native Molave tree amidst the threats to its survival as a species,” dagdag nito kasama ang hashtag na #SaveMasungi.