Inasahan na raw ng dating Manila City Mayor, presidential candidate, at ngayon ay isa sa mga bagong host ng "Eat Bulaga!" na si "Yorme" Isko Moreno na hindi sila makakaalagwa sa ratings, sa naganap na makasaysayang salpukan ng mga karibal na noontime shows noong Sabado, Hulyo 1, 2023.

Pag-amin ni Isko sa recent episode ng "Fast Talk with Boy Abunda," talagang inasahan na nila ito dahil daw sa "hype" at "drama" na nangyari sa TVJ at It's Showtime sa mga nagdaang buwan.

"Well, that's understandable because there's so much hype, drama happened in the past weeks and days," anang Isko.

Para kay Isko, wala silang sama ng loob dito. Sa katunayan, ang tunay na panalo rito ay ang Filipino televiewers. Buhay na buhay raw ang Philippine television lalo na sa noontime slot dahil sa mga nangyari.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Inihalintulad pa ni Isko ang mga nangyayari sa isang "buffet." Mas maraming mapamimiliang nakahain ngayon ang mga manonood, aniya.

"Now, if there will be buffet line in this case, lalabas lahat ng galing ng mga artista kasi may kompetensiya," dagdag pa niya.

"Kumbaga, parang ang point ko, let’s not create hate and expect somebody to favor you to go up. Para tumaas ka, aapakan mo 'yong likod nang may likod o paa nang may paa."

“We should be proud na panalo dito ngayon 'yong viewers so magtulungan tayo. So, marami na ngayong options. Marami nang opportunity at gaganda na 'yong noontime shows para sa viewers," aniya pa.

Batay naman sa mga naglabasang datos, pumabor ang TV ratings game at total concurrent views sa muling pagbabalik ng TVJ sa noontime slot, sa kanilang bagong tahanang TV5.

Pagdating naman sa production number, puring-puri ang It's Showtime dahil sa kani-kanilang pasabog, lalo na ang unexpected na paglabas sa ABS-CBN ng mga homegrown Kapuso stars at dating Kapamilya na ngayon ay Kapuso na.

Sa Eat Bulaga! naman, ipinagdiwang nila ang kanilang unang monthsary. Nagbigay rin sila ng mensahe sa kanilang mga katapat na programa.

MAKI-BALITA: Paolo, Isko nagpahatid ng pagbati sa TVJ, winelcome ang It’s Showtime

Nabanggit pa nga ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na tila may hinampo raw ang TAPE, Inc. sa GMA Network dahil hindi sila noon napagbigyang "mahiram" ang kanilang Kapuso stars, pero sa It's Showtime ay napagbigyan sila.

MAKI-BALITA: TAPE nakatikim daw ng ‘mag-asawang sampal’ sa GMA; Kapuso stars, pinagdamot?