Bumababa na ang inflation rate ng bansa, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Miyerkules.

Sa social media post ng Malacañang, binanggit nito na bumagsak na sa 5.4 porsyento ang antas ng inflation nitong Hunyo, mula sa dating 6.1 porsyento nitong Mayo.

Nitong Abril, tumaas pa sa 6.6 porsyento ang inflation rate ng bansa, ayon na rin sa ulat ng National Economic and Development Authority kamakailan. 

Sinabi ng Malacañang, ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation rate ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food at non-alcoholic beverages, transport products at services, tulad ng presyo ng gasolina at pamasahe sa mga pampasaherong dyip.

Umaasa ang NEDA na magtuloy-tuloy ang pagbaba ng inflation ngayong taon hanggang sa maabot ang four percent target ngayong taon.