Halos 150 na motorista ang hinuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos dumaan sa EDSA Bus Carousel Lane nitong Martes.
Sa isang panayam kay MMDA Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas, tinikitan nila ang mga nasabing lumabag sa batas-trapiko.
Pinagmulta ng ₱1,000 bawat isa sa mga nahuling pumasok sa bus lane na ipinagagamit lamang sa mga emergency vehicle ng gobyerno.
Metro
Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!
Paliwanag ng MMDA, layunin lamang nilang maiwasan ang aksidente at madisiplina ang mga motorista.
Nitong nakaraang buwan, isang rider ang nasawi matapos mabangga ng isang sports utility vehicle (SUV) ang sinasakyang motorsiklo habang sila ay gumagamit ng bus lane sa EDSA Shaw Blvd. tunnel