Nagbuga na naman ng lava at mga bato ang Bulkang Mayon.

Sa nakaraang 24 oras na pagsubaybay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang 232 rockall events at lava flow sa Mi-isi Gully na umabot sa 2.8 kilometro.

Tinabunan din ng lava ang 1.3 kilometrong bahagi ng Bonga Gully at umabot naman sa 4 kilometro ang dumausdos sa Basud Gully.

Naitala rin ang isang pagyanig at 5 dome collapse pyroclastic density current (PDC) events nitong madaling araw ng Martes hanggang madaling araw ng Miyerkules.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Umabot din sa 170 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan na isinailalim pa rin sa level 3 alert status.

Dahil dito, muling nanawagan ang Phivolcs sa publiko na iwasang lumapit o pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang pagsabog nito.