Nagpahayag umano ng kaniyang pagkadismaya ang aktres na si Bela Padilla sa kinuhang sasakyan mula sa isang sikat na app.

Kuwento ni Bela sa kaniyang Instagram story, bukod sa late na ngang dumating ay pinaglakad pa siya papunta sa pick-up point.

Ngunit ang mas ikinainis pa raw niya, amoy-sigarilyo raw sa loob kaya pinabuksan niya ang bintana para makapasok ang hangin.

"Booked @grab_ph car today because I didn't wanna park in the mall on a Sunday knowing it would be crazy."

National

VP Sara, wala nang balak maging miyembro ulit ng gabinete; PBBM, nag-react

"The driver was 15 minutes late. Kept calling me to cancel cause he didn't want me to pick me up on the spot...."

"Also his car smelled like cigarettes so I had to keep my window open."

Kaya tanong ni Bela sa netizens, "Anong kuwentong Grab n'yo?"

Bela Padilla (Larawan mula sa IG story ni Bela Padilla)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng Grab tungkol dito.