Dalawang indibidwal umano ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa United States.

Sa ulat ng Agence France-Presse at Xinhua, sinabi ng mga opisyal nitong Lunes, Hulyo 3, na nangyari ang pagbagsak ng naturang eroplano noong Linggo ng hapon, Hulyo 2, sa Kodiak Island, U.S. state of Alaska.

Ayon sa National Transportation Safety Board (NTSB), lumipad ang Piper PA-32-300 plane mula sa Old Harbor patungo sa Kodiak nang bumagsak ito sa mababaw at bulubunduking lupain.

Natagpuan ang wreckage ng eroplano mga tatlong milya ang layo sa hilaga ng Old Harbor, ayon naman umano sa U.S. Coast Guard.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

Sinabi rin ng Coast Guard na natagpuan ng aircrew sa pinagbagsakan ng eroplano ang labi ng dalawang indibidwal, maging ang tatlong nasugatan.

Hindi pa naman umano malinaw at iniimbestigahan pa rin kung ano ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.