
(BOC/FB)
₱4.2M shabu, naharang sa Clark -- BOC
Nasa ₱4.2 milyong halaga ng illegal drugs ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark matapos tangkaing ipuslit sa bansa kamakailan.
Ang nasabing shabu na nakatago sa dalawang oven toaster ay nabisto matapos na dumating sa bansa nitong Hunyo 27.
Sa pahayag ng BOC, ang dalawang package na ipinadala sa Pilipinas mula sa United States ay idineklara bilang "stainless steel slice bread toaster."
Gayunman, nadiskubre ang 614 gramo ng shabu sa naturang kargamento matapos dumaan sa X-ray at physical examination.
“The Bureau of Customs implements strict border security measures to combat illegal drugs. Rest assured that we are closely coordinating with our counterparts to prevent the entry of prohibited drugs as we remain firm with the directives of President Ferdinand Marcos, Jr.," pahayag pa ng BOC.
Aaron Recuenco