“Let us continue to stand together…”

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa United States sa gitna ng paggunita ng Filipino-American Friendship Day nitong Martes, Hulyo 4.

“On this joyous occasion of Philippine-American Friendship Day, we commemorate the deep connection between our nations, built on the foundation of trust and collaboration,” pahayag ni Marcos sa kaniyang social media post.

“As allies, let us continue to stand together, embracing the values of democracy, freedom, and equality, forging a path towards a more prosperous and inclusive future for all,” dagdag niya.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Ayon sa Official Gazette, pormal na kinilala ng US ang kalayaan ng Republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946.

Ipinagdiriwang naman ang Filipino-American Friendship Day bilang paggunita umano sa matagal nang ugnayan ng US at Pilipinas.