Sa ikalawang pagkakataon ay muling inireklamo ni Daisy Lopez alyas "Madam Inutz" ang kaniyang electric bill, na nakalolokang umabot na sa mahigit ₱40k.

Batay sa Facebook post ni Madam Inutz, pumalo sa ₱40,882.13 ang electric bill na kailangan niyang bayaran para sa buwan ng Hunyo.

Makikitang itinuro pa ni Madam ang halaga gamit ang kaniyang middle finger.

Talak ni Madam, "HINDI NAMAN PO AKO SA PALASYO NAKATIRA KUNG KELAN NAGTITIPID SAKA LALONG TUMATAAS Meralco BAKIT NAMAN," aniya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa comment section ay mababasang tumugon dito ang talent manager nila ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino.

"Bakit ang pagtuuro mo naka-makyu ka tea Madam inutz. Asa consumption yan tiii... need mo inform sa kanila magtipidity. After malamig na kuwarto ay gamitin na ang electric fan. Hindi mo naman kasi namomonitor sa bawat kuwarto."

Tila naka-relate naman ang madlang netizens sa sentimyento ni Madam Inutz.

"Relate madam... kung kelan nagtipid at nauulan na ngayon saka tumaas ng bill ng Meralco."

"Baka 10 Ang aircon n'yo madam at 5 Ang refrigerator n'yo?"

"Same po madame dati bill namin 2plus lang ngayon umaabot na ng 5plus hays meralco talaga."

"Madami na nga pong nagrereklamo sa Meralco ganyan din po ang reklamo nila mataas ang bill kahit walang nakatira hayyyys."

"Para makatipid wag 24 hrs ang aircon madam... wag Meralco ang sisihin, mas malaki pa nga ang consumption n'yo ngayon kaysa last month... hehe."

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagreklamo si Madam Inutz sa mataas na electric bill.

MAKI-BALITA: Hirit ni Madam Inutz sa malaking electric bill: ‘Wala akong karapatang magpahinga!’