Nakatakda na umanong bumalik sa trabaho si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa darating na Huwebes, Hulyo 6, matapos ang kaniyang sampung araw na wellness leave.

Ayon kay DOJ Assistant Secretary Jose Dominic Clavano IV nitong Martes, Hulyo 4, magkakaroon si Remulla ng press briefing pagbalik niya sa trabaho sa Huwebes. 

Matatandaang noong Hunyo 26 nang ianunsyo ng DOJ na sasailalim ang kalihim sa sampung araw na wellness leave.

Sinabi rin ng ahensya na personal ang dahilan kung bakit nag-file ng sampung araw na leave si Remulla.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Inihayag naman ni Remulla na itinalaga niya si Justice Undersecretary Raul Vasquez bilang DOJ officer-in-charge sa loob ng 10 araw habang nakasailalim siya sa naturang leave.

MAKI-BALITA: Remulla, sasailalim sa 10 araw na ‘wellness leave’