Umarangkada na nitong Lunes ang konstruksiyon ng Double Track at Electrified Train System mula sa Alabang hanggang Calamba, Laguna.

Nabatid na matagumpay na naisagawa ng Department of Transportation (DOTr), katuwang ang Philippine National Railways (PNR), ang groundbreaking para sa civil works contract packages (CP S-04, S-05, at S-06) para sa Alabang-Calamba Segment ng North-South Commuter Railways (NSCR).

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, layunin ng departamento ang patuloy na pagsusulong ng mga malalaking proyekto tulad ng NSCR, na magdurugtong sa Norte at Timog ng Metro Manila.

“Residents and communities who have noticed the railway’s massive construction have pinned their hopes on a comfortable, affordable, safe and efficient commute – a striking contrast to the deteriorating road traffic that has spilled over to north and south of Metro Manila,” pahayag ng Kalihim.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kabilang sa contract packages CP S-04, S-05, at S-06 ang pagtatayo ng double track at electrified train system para sa elevated stations sa lugar ng Alabang, Muntinlupa, San Pedro, Pacita, Biñan, Santa Rosa, Cabuyao, Banlic, at Calamba.

Samantala, pinasalamatan ni Secretary Bautista ang mga naging katuwang nila para sa matagumpay na groundbreaking ceremony, na hudyat ng pagsisimula ng aktwal na konstruksyon.

Kabilang dito ang Japan, South Korea, at maging ang patuloy na suporta mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA), Asian Development Bank (ADB), Local Government Unit (LGU) at mga contractor nito.

“I would like to express the sincerest gratitude of the DOTr to ADB, the embassies of South Korea and Japan, the Japan International Cooperation Agency, the Hyundai - DongAh joint venture as contractor and the local government of Santa Rosa for their respective collaborative efforts that enabled us to begin construction of these last three segments of the NSCR,” dagdag ni Secretary Bautista.

Ani Bautista, sa sandaling matapos ang 147-km NSCR System, inaasahang magiging dalawang oras na lamang ang biyahe mula at patungong Clark, Pampanga at Calamba, Laguna, mula sa kasalukuyang 4 - 4.5 oras—na siyang magbibigay ng mas mabilis, maginhawa, at ligtas na biyahe para sa mga Pilipino.

Bukod dito, layon din anila ng proyekto na makatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya, sa pamamagitan ng pagbubukas ng maraming oportunidad at trabaho para sa lahat.