Iginiit ni Senadora Risa Hontiveros na dapat magkaroon ng “explicit disclaimer” na walang katotohanan ang “nine-dash line” ng China kapag pinalabas na sa Pilipinas ang pelikulang “Barbie.”

Sinabi ito ni Hontiveros sa gitna ng naiulat na pag-ban ng bansang Vietnam sa pelikula dahil sa mga eksenang nagpapakita ng mapa na may nine-dash line na naglalarawan umano ng malawak na pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea.

"The movie is fiction, and so is the nine-dash line,” pahayag ni Hontiveros nitong Martes, Hulyo 4.

“At the minimum, our cinemas should include an explicit disclaimer that the nine-dash line is a figment of China’s imagination,” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, inihayag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nito ring Martes na sinuri nito ang pelikula.

Ilalabas umano ang kopya ng Permit to Exhibit o ang desisyon ng Komite sa opisyal na website na mtrcb.gov.ph.

MAKI-BALITA: ‘Matapos i-ban ng Vietnam’: Pelikulang ‘Barbie’, sinuri ng MTRCB