Ibinahagi ng historyador na si Ambeth Ocampo ang larawan ng ilang pirasong bahagi umano ng utak ng dakilang bayaning si Jose Rizal.

"Fragments of Jose Rizal’s brain," ani Ocampo sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Hulyo 3.

Ayon kay Ocampo, karamihan sa mga labi ni Rizal ay inilibing sa ilalim ng monumento sa Luneta, maliban sa kapiraso ng kaniyang gulugod o backbone na napanatili umano sa Fort Santiago.

"The chipped bone is believed to be the spot where the bullet hit him on December 30,1896. I did not know till recently that Rizal’s eldest sister Saturnina kept fragments of the hero’s brain in a bottle," ani Ocampo.

National

Ex-pres. Duterte sa ICC: 'Start the investigation tomorrow!'

"I presume the fragments were formerly preserved in alcohol that has since dried up," dagdag niya.

Sinabi rin ng historyador na kasalukuyan niyang sinasaliksik ang kuwento at konteksto ng naturang relikiya.

"Thanks to Britz Hamoy for the lead, and to Dr. Francis Navarro, Director of the Ateneo de Manila University Archives for showing this to me," saad ni Ocampo.