Pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang paglulunsad ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ng Right to Care card para sa LGBTQ+ couples.

Matatandaang noong Hunyo 24 nang ilunsad ng Quezon City, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, ang naturang card na naglalayon umanong magbigay ng pahintulot sa LGBTQ+ partners na magdesisyon sa larangan ng kalusugan at medikal para sa kanilang mga kasintahan.

MAKI-BALITA: Pinakaunang ‘Right to Care Card’ sa bansa, inilunsad sa QC

“This is a commendable move that concretely recognizes autonomy and personal choice by granting LGBTQI couples the right to make medical decisions for their partners as needed,” pahayag ng CHR nitong Martes, Hulyo 4.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“It recognizes their unique and intimate knowledge of their partner’s preferences, needs, medical history, and support, among others. The initiative also guarantees that the partner is kept abreast about their loved one’s condition and progress, which helps ensure information access and confidentiality,” dagdag nito.

Sinabi rin ng CHR na nagbibigay ang Right to Care card ng konkretong legal na proteksyon at pagkilala pagdating sa healthcare setting. 

“It respects the couple’s authority and involvement in their partner’s care thus preventing exclusion, discrimination, and denial of information or participation. It is also expected that it will alleviate the stress and anxiety during difficult hospitalization periods by allowing LGBTQI members to actively contribute and participate in the care and well-being of their partner,” saad ng CHR.

Inihayag din ng Komisyon na umaasa silang magsisilbing inspirasyon ang inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa ibang mga lungsod para ituloy ang mga proyekto at patakaran na magpoprotekta sa LGBTQ+ community. 

“In order to attain genuine equality in society, accessibility to services—such as, but not limited to healthcare—must be guaranteed regardless of gender and sexual orientation,” saad ng CHR.