"Meet Rocky, the Boxer dog with a 'tongue-tastic' record! "

Ipinakilala ng Guinness World Records (GWR) ang aso mula sa United States of America (USA) na hinirang bilang pinakabagong record holder para sa titulong "longest tongue on a living dog."

Ayon sa GWR, ang dila ng 9-year-old male boxer dog na Rocky ay may habang 13.88 cm (5.46 in).

“Rocky's tongue was measured by a vet, as he was sedated as part of a regularly scheduled dental procedure,” anang GWR.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ibinahagi naman umano ng fur parents ni Rocky na sina Brad at Crystal Williams na noon pa lang ay madalas nang napapansin ng ibang tao ang pambihirang haba ng dila ng kanilang fur baby.

“When we walk Rocky, we often get told how extremely long his tongue. We're obviously used to it, but others are really surprised to see it,” anila sa ulat ng GWR.

Bago si Rocky, matatandaang ang dating record holder ng naturang titulo ay ang kamakailang ginawaran ng GWR na si Zoey, isang labrador/German shepherd mix mula sa Louisiana, USA na may dilang 12.7 cm ang haba.

MAKI-BALITA: GWR, kinilala ang asong may pinakamahabang dila sa buong mundo