Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Sarangani nitong Lunes ng gabi, Hulyo 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 6:20 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 15 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Kiamba, Sarangani, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Intensity V - Kiamba, Sarangani 

Intensity III - City of General Santos; Maitum, Sarangani

Intensity II - Alabel at Malungon, Sarangani

Intensity I - Maasim, Sarangani; Don Marcelino, Davao Occidental; City of Koronadal, Polomolok, at Tamapakan, South Cotabato; Kalamansig, Sultan Kudarat

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.