Reynang-reyna ang datingan ni  ‘Miss Earth Philippines 2023’ na si Yllana Marie Aduana sa kaniyang korona at kulay-kahel na pamosong gown nito.

Sa Instagram post ni Yllana kahapon ng Linggo, Hulyo 2, makikita sa mga larawan ang mala-reynang mga pose niya kung saan suot-suot pa ang kaniyang nasungkit na korona sa nasabing pageant.

Tadtad at punumpuno naman ng bead designs ang kaniyang suot na gown na lalong nagpakinang sa kaniyang alindog na mala-reyna niyang eksena.

And to welcome Cancer szn; my birth month…. Here’s my official photoshoot as your Miss Earth- Philippines @missphilearth 2023 wearing my favorite color ??????✨??,” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

National

'Focus crimes' sa bansa, bumaba ng 12.4% noong 2025

Nabighani naman ang netizens sa angking-ganda ni Yllana:

Ganda naman ??? Sana ikaw ang Miss Earth 2023 ?.”

“Litaw na litaw ang ganda.Ganda nemen ng queen Yanna namin.”

“Ang ganda moo palagii?.”

“Bat ang ganda ganda naman ng beshy ko? ?.”

“Na kaganda oii??.”

Matatandaang si Yllana ang itinanghal na Miss Earth Philippines 2023’ na ginanap sa Toledo City Sports Center sa Toledo, Cebu noong Abril 29, 2023.