"Parang elevator pero 1,000 floors… lagpas helicopter!"
Ganito inilarawan ni TV host Joey de Leon ang ibinigay umanong pagpansin ng Dabarkads sa debut episode ng kanilang bagong noontime show na E.A.T. sa TV5 noong Sabado, Hulyo 1.
Sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Hulyo 2, ibinahagi ni Joey ang isang selfie photo kung saan makikitang kasama niya ang kaniyang co-hosts sa isang elevator.
"Ganito kaliit lang ang studio namin sa TV5, parang elevator pero 1,000 floors naman ang taas ng ibinigay nyong pagpansin sa amin…lagpas helicopter!😜," caption ng TV host sa naturang post.
Iniugnay naman ng ilang netizens ang pagbanggit ni Joey ng salitang "helicopter" sa naging pasabog ni Unkabogable Star Vice Ganda sa premier episode ng It's Showtime sa GTV noon ding Sabado.
“Congratulations on your new home. Sana po iwas iwasan nyo na sir ang paparinig. Nakaka wala po yon ng respito. Pwede namn mag bigaybng isa’t libo isang tuwa pro yong mga parinig nakakawala ponng respito. Being humble is more important and be thankful kasi meron kayong new home. Napakasakit po nyan kng babagsak ulit kayo. Again congratulations po! ❤️," anang isang netizen sa comment section ng post ni Joey.
“I don't see the need for patama at parinig. As a matter of fact, I am an avid EB audience pero last Saturday I watched the others na lang because Yung mga patama and parinig is giving me an off vibe. Yun Yun ayaw ko and with the current generation di na nagwowork Ang mga ganung banters," komento naman ng isa.
“‘…lagpas helicopter 😜’ kung yung phrase na yan ay hindi na sinama, wala siguro mag isip ng kung ano. Kahit mawala ang phrase na yan buo parin naman ang gusto sabihin ni Mr Joey di po ba? Dinagdag nya para May impact, ayun eto na nga po ang ending. Bilang public figure dapat responsible at pinagisipan ang post. Naga cause kasi ng unnecessary na gulo sa mga fans. Mas masaya buhay pag good vibes lang! 😎," saad din ng isang netizen.
Matatandaang sumakay si Vice sa helicopter mula ABS-CBN patungong compound ng GMA Network sa opening production ng programa.
MAKI-BALITA: It’s Showtime, umere na sa GTV; Opening prod kasama Kapuso stars, pasabog!
Samantala, ilang netizens din naman ang nagpahayag ng suporta sa E.A.T. at nagsabing walang pagpapatama sa post ni Joey.
“Walang negative sa sinabi ni Sir Joey,wag ng lgyan ng kulay,” komento ng isang netizen.
“More power E.A.T. kahit gaano kaliit pa yan pag nag start na ang jamming at kulitan ng dabarkads nakakatawa na talaga. Keep it up Dabarkads.❤️We are here to support you E.A.T.❤️,” saad pa ng isang netizen.
“May kirot pa rin sa puso ko 😢 mahal na mahal ko kayo TVJ! Mahal na mahal ko kayo, Legit Dabarkads!! Habang buhay kayong nasa puso ko. At habang buhay akong susuporta sa inyo. Dahil hangga't may bata, may eat bulaga! ❤” komento naman ng isa.