Flinex ng celebrity couple na sina Marco Gumabao at Cristine Reyes ang fit nilang pangangatawan na inirampa sa Siargao.

Sa Instagram post ni Marco kahapon ng Linggo, Hunyo 2, makikitang kaakbay pa ni Marco ang kasintahan niyang si Cristine.

I’ve never been more Shore ? Can’t wait for our next adventure ❤️ @cristinereyes,” aniya.

Kapansin-pansin naman ang naging komento ni Christine sa nasabing Instagram post.

Politics

Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

“Same here Kooni ko.” sagot ni Cristine.

Matatandaang umamin na rin ang dalawa kamakailan sa tunay nilang relasyon.

Hindi naman maitatago sa kanilang dalawa ang talagang fit nilang pangangatawan kung saan namamataang lagi silang magkasamang magworkout sa kanilang mga Instagram stories.