![Bulkang Mayon, nagbuga na naman ng lava na umabot sa 2.7km](https://cdn.balita.net.ph/wp-content/uploads/2023/07/Screenshot-2023-07-03-122156.png)
(Jang Grageda)
Bulkang Mayon, nagbuga na naman ng lava na umabot sa 2.7km
Nagbubuga pa rin ng lava ang Mayon Volcano sa nakaraang 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs, umabot muli sa 2.7 kilometro ang lava na ibinuga ng bulkan sa bahagi ng Mi-isi Gully.
Umabot naman sa 1.3 kilometro ang tinabunan ng lava sa bahagi ng Bonga Gully.
Nasa tatlong pagyanig at 295 rockfall events ang naitala sa bulkan.
Nagkaroon din ng dalawang dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events at dalawang lava front collapse PDC events.
Nagbuga rin ito ng sulfur dioxide na umabot sa 962 tonelada nitong Hulyo 2.
Nagpakawala rin ang bulkan ng 500 metrong taas ng usok na tinangay ng hangin pa-kanluran at kanluran-hilagang kanluran.
Nasa level 4 pa rin ang alert status ng bulkan.