Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • July 23, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    BIR, sinita ni Tulfo sa planong dagdag-buwis sa junk food

    BIR, sinita ni Tulfo sa planong dagdag-buwis sa junk food

    By
    Balita Online
    July 03, 2023
    In
    BALITA National
    BIR, sinita ni Tulfo sa planong dagdag-buwis sa junk food
    (Manila Bulletin File Photo)

    BIR, sinita ni Tulfo sa planong dagdag-buwis sa junk food

    By Balita Online
    July 03, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Sinita ni Senator Raffy Tulfo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa plano nitong dagdagan ng buwis ang junk food at iba pang food items sa susunod na taon.

    Aniya, maaapektuhan ng nasabing hakbang ang mahihirap na umaasa lamang abot-kayang junk food at food items.

    “Bakit pinagdidiskitahan ng BIR ang mga chichirya at nais nilang patawan ng buwis ang mga ito," anang senador.

    "Kung ang pakay nila ay para makalikom ng dagdag kita para sa kaban ng bayan mula sa mga consumer products, bakit ‘di nila puntiryahin ang mga luxury items, gaya ng mga food supplements, protein bars, energy bars, slimming drinks, pati na ang mga cosmetic product," aniya.

    Nauna nang sinabi ni Finance Secretary Ben Diokno na plano ng Department of Finance (DOF) na magpataw ng ₱10 buwis para sa 100 gramo o ₱10 per 100 milliliters sa pre-packaged foods, kabilang na ang confectioneries, snacks, desserts, at frozen confectioneries.

    Kinontra ito ni Tulfo at sinabing kung nais ng BIR na lumaki ang kita nito ay dapat pagtuunan nila ng pansin ang food supplement at cosmetic products na parehong bahagi ng multi-billion peso industry.

    Hannah Torregoza

    Inirerekomendang balita

    ‘We cannot afford it!’ SP Win, nagkomento sa hiling ni VP Sara para sa defense team niya!

    ‘We cannot afford it!’ SP Win, nagkomento sa hiling ni VP Sara para sa defense team niya!

    Aminado si Senate President Win Gatchalian na hindi raw kakayanin ng Senado na sagutin ang catering service para sa pagkain ng defense team ni Vice President Sara Duterte. Sa kaniyang pahayag nitong Huwebes, Hulyo 23, 2026, diretsahang sinabi ni Gatchalian na hindi nila kayang pagbigyan ang hiling ni VP Sara. “We cannot afford it,” ani Gatchalian. Matatandaang noong Miyerkules, Hulyo 22 nang...

    Sen. Robin Padilla, nilinaw 'one-sided' remarks niya sa prosekusyon

    Sen. Robin Padilla, nilinaw 'one-sided' remarks niya sa prosekusyon

    Nilinaw ni Sen. Robin Padilla ang konteksto ng kaniyang naging pahayag na “Sana hindi po one-sided ang ating prosekusyon” sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, matapos umano itong mabigyan ng iba’t ibang interpretasyon. Sa inilabas na press release ng kaniyang tanggapan noong Miyerkules, Hulyo 22, sinabi ni Padilla na ang kaniyang pahayag ay hindi pagbatikos sa House...

    Anak, tinodas sariling ina matapos humingi ng tulong para sa mental health niya!

    Anak, tinodas sariling ina matapos humingi ng tulong para sa mental health niya!

    Patay ang isang 51-anyos na babae matapos umano siyang pagsasaksakin ng sarili niyang anak sa Barangay Sonog, San Francisco, Cebu, noong umaga ng Hulyo 21, 2026. Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas na si alyas 'Melody,' isang Barangay Utility Worker, habang ang suspek ay ang kaniyang 29-anyos na anak na tinukoy lamang sa alyas na 'Lyle.' Batay sa paunang imbestigasyon,...

    Features

    FEATURES

    1

    #BalitaExclusives: KWF, inilatag ‘responsableng’ paggamit ng AI para sa Filipino!

    July 23, 2026

    FEATURES

    2

    ALAMIN: Ano-ano ang mga pagkaing pampagana sa kama?

    July 22, 2026

    FEATURES

    3

    Mga bansang kumondena sa CCG attacking incident sa Ayungin Shoal

    July 22, 2026

    FEATURES

    4

    4 destinations in one trip: Tuklasin ang B.I.G.G. adventure!

    July 21, 2026

    FEATURES

    5

    Asong nasagip bago isailalim sa euthanasia, lilipad na sa US!

    July 21, 2026

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Masasamang dulot sa pagsupsop, pagsubo ng lollipop

    July 20, 2026

    FEATURES

    7

    #BALITAnaw: Ang unang pagtapak ng tao sa buwan, ‘One giant leap for mankind’

    July 20, 2026

    FEATURES

    8

    ALAMIN: Mga ganap sa 59th ASEAN Foreign Ministers' Meeting mula Hulyo 21-24

    July 20, 2026

    Opinyon

    No author #KaFaithTalks: Bakit hindi natutupad lahat ng plano sa buhay? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: ‘Survival mode na lang’ Posible pa bang umangat sa buhay ngayon? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Magtitiwala kahit malabo, kahit sinusubok Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Tayo rin si ‘Barabbas’ Nicole Therise Marcelo
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita