Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • January 25, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    BIR, sinita ni Tulfo sa planong dagdag-buwis sa junk food

    BIR, sinita ni Tulfo sa planong dagdag-buwis sa junk food

    By
    Balita Online
    July 03, 2023
    In
    BALITA National
    BIR, sinita ni Tulfo sa planong dagdag-buwis sa junk food
    (Manila Bulletin File Photo)

    BIR, sinita ni Tulfo sa planong dagdag-buwis sa junk food

    By Balita Online
    July 03, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Sinita ni Senator Raffy Tulfo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa plano nitong dagdagan ng buwis ang junk food at iba pang food items sa susunod na taon.

    Aniya, maaapektuhan ng nasabing hakbang ang mahihirap na umaasa lamang abot-kayang junk food at food items.

    “Bakit pinagdidiskitahan ng BIR ang mga chichirya at nais nilang patawan ng buwis ang mga ito," anang senador.

    "Kung ang pakay nila ay para makalikom ng dagdag kita para sa kaban ng bayan mula sa mga consumer products, bakit ‘di nila puntiryahin ang mga luxury items, gaya ng mga food supplements, protein bars, energy bars, slimming drinks, pati na ang mga cosmetic product," aniya.

    Nauna nang sinabi ni Finance Secretary Ben Diokno na plano ng Department of Finance (DOF) na magpataw ng ₱10 buwis para sa 100 gramo o ₱10 per 100 milliliters sa pre-packaged foods, kabilang na ang confectioneries, snacks, desserts, at frozen confectioneries.

    Kinontra ito ni Tulfo at sinabing kung nais ng BIR na lumaki ang kita nito ay dapat pagtuunan nila ng pansin ang food supplement at cosmetic products na parehong bahagi ng multi-billion peso industry.

    Hannah Torregoza

    Inirerekomendang balita

    Bulkang Mayon, 18 araw nang aktibo sa pag-aalboroto; lava flow, umabot na ng hanggang 3km

    Bulkang Mayon, 18 araw nang aktibo sa pag-aalboroto; lava flow, umabot na ng hanggang 3km

    Nagpatuloy ang effusive eruption ng Bulkang Mayon sa ika-18 magkakasunod na araw nitong Enero 25, 2026, kung saan patuloy ang pag-agos ng lava na umabot sa tinatayang 1.3 hanggang 3.2 kilometro mula sa summit crater.Batay sa pinakahuling monitoring data ng Mayon Volcano Observatory, nakapagtala ng nagbabagang lava flows, pyroclastic density currents o “uson,” at sunod-sunod na pagguho ng bato...

    Mga narekober na katawan mula sa MBCA Amejara, anim na!

    Mga narekober na katawan mula sa MBCA Amejara, anim na!

    Umakyat na sa anim ang kabuoang bilang ng mga narekober na bangkay mula sa tumaob na MCBA Amejara, nitong Linggo, Enero 25. Ayon sa ulat ng Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM), natagpuang palutang-lutang ang isa sa mga katawan sa katubigan ng Buca Point, Maasim, Sarangani. Agad naman itong inilipat sa BRP Pangalo patungong Balut Island, para  masuri at makumpirma ng mga...

    Trillanes, 'credible' na ba? Ogie Diaz rumesbak, sumagot sa tirada ni Greco Belgica

    Trillanes, 'credible' na ba? Ogie Diaz rumesbak, sumagot sa tirada ni Greco Belgica

    Sumagot na si showbiz insider at talent manager Ogie Diaz sa mga banat ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica matapos ang naging post niya patungkol kay dating senador Sonny Trillanes.Nag-ugat ito nang ibahagi ni Diaz sa Facebook account niya kamakailan ang isang pubmat patungkol sa naging umano'y banat ni Belgica laban kay Trillanes.'Sa totoo...

    Features

    FEATURES

    1

    ALAMIN: Paano ititigil ang procrastination?

    January 25, 2026

    FEATURES

    2

    ALAMIN: Mga puwedeng panoorin patungkol sa Mamasapano massacre at SAF 44

    January 25, 2026

    FEATURES

    3

    BALITAnaw: Dedikasyon para sa demokrasya ni ex-Pres. Cory Aquino

    January 25, 2026

    FEATURES

    4

    BALITAnaw: Buwis-buhay ng SAF 44 sa madugong engkuwentro sa Mamasapano

    January 25, 2026

    FEATURES

    5

    ALAMIN: Ang pagtaob at pagkawala ng MBCA Amejara sa Davao

    January 24, 2026

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Mga dapat malaman tungkol sa Autism Spectrum Disorder

    January 24, 2026

    FEATURES

    7

    ALAMIN: Nakikilala ba ang personality ng isang tao base sa sulat-kamay?

    January 23, 2026

    FEATURES

    8

    ALAMIN: Sakit na ‘Diverticulitis’ ni PBBM, life-threatening nga ba?

    January 22, 2026

    Opinyon

    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paano hahanapin ang katahimikan kung sarili ang kalaban araw-araw? Nicole Therise Marcelo
    Balita Online #KaFaithtalks: Puro blessings ang gusto, pero good steward ka ba? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Susunod ka pa rin ba sa Panginoon kahit mahirap? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat Balita Online
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita