Naging emosyunal si "It's Showtime" host Anne Curtis sa isang contestant ng segment na "Mini Miss U" dahil hindi lamang ito talented ngunit napakahusay rin nitong magsalita, na para bang isang matured na.

Ibinahagi pa ni Anne sa kaniyang Twitter account ang video clip ng contestant number 1 na si "Annika Co" ng Muntinlupa City habang ka-eksena nito si Unkabogable Star Vice Ganda, upang ipamalas ang kaniyang acting skills.

"What a genuinely kind and pure soul," tweet ni Anne ngayong Hulyo 3, 2023 ng hapon.

"Bless her heart. Kudos to her parents for instilling such beautiful values. Imagine if we were all like this. No hatred or harmful words would exist."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1675785178470547456

Ang eksena, kunwari raw ay kakanta silang dalawa sa harap ng mga manonood, ngunit ang kaibigan niya (Vice Ganda) at biglang pinanghinaan ng loob.

Tuwang-tuwa naman ang mga manonood sa ismarte at mahusay na pagsasalita ni Annika, lalo na sa wikang Ingles.

"Because you know I'm afraid that the audience might not like me," kunwari ay emote ni Vice.

"Who cares if the others don't like you? I like you and everybody else does," sagot ni Annika na ikinapalakpak at ikinahiyaw ng lahat.

"What matters is somebody still likes you."

Pinaulit naman ito ni Vice.

"If some people don't like you, then it's fine. What's important is (that) someone still likes you!"

"But who is that person that still likes me even if I'm no longer the best? Because people like people if they are the best, but once they learn you're not the best anymore, they don't like them?" untag naman ni Vice.

"You shouldn't be worrying about if you will be the best in the world, you have to be the best version of yourself!" sagot ni Annika.

Sa puntong ito ay emosyunal na si Anne habang nakatunghay sa ginagawa ng dalawa.

Humingi naman ng yakap si Vice mula sa bata.

Maging si Vice ay namangha sa husay na ipinamalas ni Annika. Tinanong niya si Anne kung bakit emosyunal ito.

"Naiyak ako kasi it was so pure na parang if everyone can be as kind as this child, 'di ba, wala nang hatred sa mundo," pahayag ni Anne. "You're so innocent and pure.It's so beautiful!"

"Yeah," sang-ayon naman ni Vice. "Everybody needs a friend like Annika!"

Bukod sa kaniyang personalidad, hinangaan din si Annika dahil sa ganda ng kaniyang tinig habang umaawit at tumutugtog ng ukulele.

Sa huli, nakuha ni Annika ang korona para sa araw na iyon.