
(Integrity Monitoring and Enforcement Group Visayas Field Unit/FB)
₱200,000 pabuya, inilabas vs pulis na pumatay ng guro sa Tacloban
Pinaghahanap na ng pulisya ang isa ring pulis matapos paslangin ang isang guro sa Tacloban City nitong Mayo.
Nasa ₱200,000 na rin ang inilabas na pabuya ng pulisya para sa agarang pag-aresto sa suspek na si Police Senior Master Sergeant (PSMS) Van Gregory Benitez, nakatalaga sa Tacloban City Police Office.
Panawagan ng Police Regional Office 8 (PRO8) sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ni Benitez, makipag-ugnayan na lamang sa pinakamalapit na presinto sa ikaaaresto nito.
Matatandaang naglalakad ang biktimang si Jessica Durana, 30, taga-Barangay 42, Tacloban City, sa Brgy. 43, Quarry district, kasama ang kanyang ina, nitong Mayo ng hapon, nang barilin ni Benitez.
Tumakas si Benitez matapos isagawa ang pamamaslang