Binati ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang “matagumpay” na unang taon ng pamumuno sa bansa.

Sa isang pahayag nitong Linggo, Hulyo 2, sinabi ni Duterte na napatunayan ni Marcos ang determinasyon ng gobyerno na tuparin umano ang mga pangako nito noong nakaraang eleksyon.

May be an image of 2 people and text

Courtesy: VP Sara Duterte FB page

“Makikita ng lahat ang sipag at pagpupursigi ng ating mahal na Pangulo na ituloy ang mga magagandang pagbabago na nasimulan ng nakaraang administrasyon — at magpakilala ng mga bagong programa at proyekto upang mabigyan ng ginhawa ang buhay ng ating mga kababayan,” pahayag ni Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Masaya po ako na ako'y bahagi ng isang administrasyon na nakatuon sa pagpapalakas ng ating bansa — at agresibo sa pagpapatibay ng ating ekonomiya; pagkakaroon ng sapat na trabaho at hanapbuhay; pagtugon sa hamon ng kahirapan; pagbibigay ng suporta sa mga sektor tulad ng mga mangingisda, magsasaka, at mga manggagawa; pagpapatayo ng mga importanteng imprastraktura; pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon at kalusugan para sa mga Pilipino; at ang pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Duterte na nagpapasamat ang Office of the Vice President at ang DepEd sa naging pagsuporta umano ni Marcos sa kanilang programa para sa bansa at kabataan.

“Nananawagan ako sa lahat ng ating mga kababayan na suportahan ang administrasyon ni Pangulong Marcos upang maisakaturapan ang mga adhikain nito para sa ating lahat,” ani Duterte.

“Sana ay mas palakasin pa natin ang ating pagkakaisa — at gamitin natin itong sandata upang malampasan ang mga darating na hamon sa atin bilang isang bansa. Daghang salamat, Apo BBM,” saad pa niya.

Matatandaang sina Marcos at Duterte ang running mates noong nakaraang eleksyon, kung saan pareho silang nanalo.