Nanawagan na ang pulisya sa publiko na makipagtulungan upang matukoy at maaresto ang responsable sa pamamaslang sa estudyante ng Occidental Mindoro State College (OMSC) na si Eden Joy Villacete sa San Jose, Occidental Mindoro kamakailan.

Sa Facebook post ng San Jose Municipal Police Station, binanggit na malaki ang maitutulong ng publiko sa ikalulutas ng kaso kung makikipagtulungan sa pulisya.

"Ang San Jose MPS ay nanawagan na kung sinuman ang may nalalaman sa nangyaring krimen na naging sanhi ng pagkamatay ng biktima na si Eden Joy Villacete, 21 yrs. old, nanunuluyan sa boarding house sa Brgy. Poblacion 7, at nag-aaral sa Occidental Mindoro State College, ay makipag-ugnayan sa ating himpilan ng pulisya sa numerong (SMART) 0939-923-2001 at (GLOBE) 0906-468-0249 para sa agarang pagdakip sa suspect sa nasabing krimen," ayon sa post.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"Umaasa po tayo na tutugon ang ating lokal na pamahalaan sa ating panawagan. Maraming Salamat po," banggit pa ng pulisya.

Kaugnay nito, naglaaan na ng halos ₱500,000 pabuya ang pamahalaan para sa ikadarakip ng suspek.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Villacete sa loob ng inuupahang boarding house sa Barangay 7, San Jose nitong Hunyo 30 ng gabi.

Hubot-hubad ang biktima at nakitaan ng mga saksak ng patalim, ayon sa pulisya.