Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng hapon, Hulyo 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:40 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa hilagang kanluran ng Lianga, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar: 

National

Truck driver na nagpaandar pa rin kahit may tao sa harapan, lagot sa LTO!

Intensity II - Tandag, Surigao del Sur

Intensity I - Nabunturan, Davao de Oro

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.