Ngayong ganap na ganap na ang pagsasanib-puwersa ng Kapamilya at Kapuso stars dahil sa pag-ere ng "It's Showtime" sa GTV channel ng GMA Network, nanawagan naman ang "madlang Kapamilya at Kapuso netizens" sa ABS-CBN at GMA Network na "beke nemen" puwede raw ipasok na sa nabanggit na noontime show si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
Positibo ang madlang netizens sa vibes na dala-dala ni Barbie nang humiyaw ito nang "What's up, Madlang People!" sa live audience ng Showtime, sa grand launching nito sa GTV nitong Sabado, Hulyo 1.
Bagay na bagay raw ang bitbit na vibes at likas na pagiging komedyante at masayahin ni Barbie, sa nabanggit na show.
Isa si Barbie sa ilang mga homegrown Kapuso at dating Kapamilya-turned-Kapuso artists na nagsasama-sama at nag-guest sa nabanggit na grand opening.
Ultimong si Showtime host Unkabogable Star Vice Ganda, bet din ang dala-dalang vibes ni Barbie at bagay raw itong makasama nila.
MAKI-BALITA: Vice Ganda, sinabing bagay si Barbie Forteza sa ‘It’s Showtime’
Nakarating naman ito sa kaalaman ng Kapuso star at sinabi niyang "G na G" siya kung sakaling mangyari nga ito.
Batay naman sa pulsuhan ng madlang netizens, G na G din silang makita si Barbie sa Showtime, o kaya naman, it's about time na raw para subuking pagsamahin sa isang show ang Kapamilya at Kapuso stars, sa hosting, performances, o kahit sa paghuhurado ng segments at contests nila.
MAKI-BALITA: ‘G na G po ako’: Barbie Forteza, sinagot sinabi ni Vice Ganda na bagay siya sa It’s Showtime
Narito ang ilan sa mga komento, pala-palagay, at saloobin ng mga netizen.
"Sabi nga ni @vicegandako nakikinig sila sa madlang people baka puwede naman. G na yan!"
"Please make this happen @itsShowtimeNa @gmanetwork @ABSCBN."
"Gawin n'yong co-host si Barbie Forteza sa It's Showtime. Please meme @vicegandako."
"Push na yaaaaaaaannnn!!!"
"For sure riot 'yan!!"
"Sana maipush 'yan! Dagdag sa viewership din! It's about time na magkaroon ng co-host from Kapuso, kahit guest co-host lang!"
Bukod nga sa pagpasok kay Barbie, wish din ng madlang netizens na sana raw, tuloy-tuloy na rin ang pag-guest ng Kapuso artists sa nabanggit na noontime show. Ibang good vibes daw kasi talaga ang dulot kapag nakikitang magkakasama sa isang programa ang bigating artists ng dalawang bigating networks, patunay na tapos na talaga ang "network war."