Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • December 30, 2025

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Salceda sa paggamit ng stock footage sa promotional video ng DOT: 'Trabahong tamad'

    Salceda sa paggamit ng stock footage sa promotional video ng DOT: 'Trabahong tamad'

    By
    Balita Online
    July 02, 2023
    In
    BALITA National
    Salceda sa paggamit ng stock footage sa promotional video ng DOT: 'Trabahong tamad'
    (Manila Bulletin Photo)

    Salceda sa paggamit ng stock footage sa promotional video ng DOT: 'Trabahong tamad'

    By Balita Online
    July 02, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Nakakuha na ng armas si Albay Rep. Joey Salceda laban sa Department of Tourism (DOT) kaugnay sa pag-itsapuwera ng Mayon Volcano sa promotional video ng Pilipinas na ginamitan ng stock footage mula sa iba't ibang bansa.

    "The whole mess with the contractor using stock footage in the promotional video proves my earliest point about the DOT either apologizing to Albay, or firing the consultant," ayon sa pahayag ni Salceda nitong Linggo ng gabi.

    Tinukoy ng kongresista ang DDB Philippines na kinontrata ng DOT upang gawin ang audio visual presentation (AVP) sa paglulunsad ng ahensya ng kanilang 'Love the Philippines' campaign.

    "Clearly, the exclusion of Mayon and other tourist attractions intrinsic to the Philippine brand was just a symptom of 'trabahong tamad' that is now evident to everyone," pagbibigay-diin ni Salceda.

    Nitong nakalipas na linggo, sinita ni Salceda si DOT Secretary Christina Frasco nang hindi isali ang Bulkang Mayon sa promotional video.

    Nauna nang binanggit ng kongresista sa kanyang social media post na dinarayo ng mga turista ang Mayon Volcano kaya walang dahilan upang hindi ito isali sa promotional video.

    "The first video was supposedly a 'mood video', according to the contractor. For something as critical as an entire country's image, you don't 'set the mood' with plagiarism," anang mambabatas.

    Ang nasabing stock footage na kinunan sa Indonesia, Thailand, Switzerland, at United Arab Emirates (UAE) ay pinagdugtong-dugtong sa isang video ng DOT.

    Ellson Quismorio

    Inirerekomendang balita

    Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

    Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

    Binigyang-pugay ni Manila 6th District Representative Benny Abante ang pumanaw na kapwa solon at dating miyembro ng House Quad-Comm na si Antipolo 2nd District Representative Romeo Acop, sa isinagawang pag-alala at pagpupugay sa kaniya sa House of Representatives (HOR) nitong Lunes, Disyembre 29.Ayon sa eulogy ni Abante, noong bago raw magkasakit si Acop, lagi raw siya nitong inaayang maglaro ng...

    Kamatayan, parusa daw sa kasalanan! Barbers, rumesbak sa bashers ni Acop

    Kamatayan, parusa daw sa kasalanan! Barbers, rumesbak sa bashers ni Acop

    Mariing binatikos ni dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang natatanggap na pangungutya laban sa yumaong Antipolo City 2nd Rep. na si Romeo Acop, na aniya’y isang malinaw na kawalan ng paggalang sa alaala ng sumakabilang-buhay.Nagkaroon ng pag-alala at pagpupugay ang Kamara para kay Acop, araw ng Lunes, Disyembre 27, kung saan isa si Barbers sa mga nagbigay ng tribute para sa...

    Walk away bride? Nawalang bride-to-be, naispatang palakad-lakad ng isang rider

    Walk away bride? Nawalang bride-to-be, naispatang palakad-lakad ng isang rider

    Nahanap na ang nawawalang bride-to-be na si Sherra De Juan ngayong araw ng Lunes, Disyembre 29, ayon sa ulat ng Quezon City Police District Police (QCPD).Batay sa QCPD, naispatan umano si De Juan sa isang partikular na lalawigan sa Ilocos Region.Sa ibinahaging video ng News 5 mula rin sa QCPD, makikitang isinasalaysay ni Sherra ang mga lugar na kaniyang nilakaran habang may itinuturo sa isang...

    Features

    FEATURES

    1

    ALAMIN: Ano ang mga kasong isinampa ng gobyerno ng Espanya kay Rizal?

    December 29, 2025

    FEATURES

    2

    BALITAnaw: Pinakamalala, nangwasak na kalamidad sa puso ng mga Pilipino nitong 2025!

    December 29, 2025

    FEATURES

    3

    ALAMIN: 'Higit pa sa hayop at malansang isda!' Si Rizal nga ba sumulat ng 'Sa Aking Mga Kabata'?

    December 29, 2025

    FEATURES

    4

    BALITAnaw: Mga mag-jowang may pa-’hard launch’ ng relasyon ngayong 2025

    December 29, 2025

    FEATURES

    5

    ALAMIN: 'No anniversary, no celebration!' Nasunod ba ng Pilipino huling habilin ni Rizal?

    December 29, 2025

    FEATURES

    6

    BALITAnaw: Ang mga babae sa buhay ni Dr. Jose Rizal

    December 29, 2025

    FEATURES

    7

    Sa kauna-unahang pagkakataon: 'Noli Me Tangere' ni Rizal, isasalin sa Arabic!

    December 29, 2025

    FEATURES

    8

    BALITAnaw: Political personalities na pumaldo sa 'atensyon' ngayong 2025

    December 29, 2025

    Opinyon

    Balita Online #KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Si ‘Emmanuel,’ ang Hari na ipinanganak sa sabsaban para mapalapit sa atin Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Nasaan ang puso mo ngayong Pasko? Balita Online
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na nagpapala sa mga gawa ng ating mga kamay
    Balita Online #KaFaithTalks: Higit pa sa tradisyon, si Hesus ang sentro ng Pasko Balita Online
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita