Na-feature ang Pinoy Drag Queen na si Marina Summers sa prestihiyosong New York Times Square Billboard ngayong Linggo, Hulyo 2, 2023.

Sa Facebook post ni Marina, makikita ang pangalan mismo at larawan niya bilang isang drag queen.

Ayon pa kay Marina, sinabi niyang puno ng sorpresa ang taong ito dahil noong nakaraang buwan lang ay kinuha siyang “Spotify’s Glow Ambassador” para sa Pilipinas na siyang nagdala sa kaniya sa nasabing billboard.

“Baby we made it 2023, you’re just full of surprises. Earlier in June, we received the news that we will be @spotify ‘s Glow Ambassador for Philippines and all of South East Asia. Which included us to a worldwide campaign and landed us in the New York Times Square billboard.” aniya.

National

Pag-turnover ni VP Sara kay Sen. Angara sa DepEd, gaganapin sa Hulyo 18

Itinuturing naman ni Marina ang pangyayaring iyon sa kaniya na isa sa pinakahighlights ng kaniyang karera  bilang isang drag artist.

“I can clearly recall when @issaabello and @mareygarcia called me 1am in the morning of Drag Con LA and gave me the news. This is probably one of the highlights of my career as a drag artist.” dagdag pa niya.

Sa huli, nagpasalamat naman si Marina sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kaniyang kanta at likha.