
(Manila Bulletin File Photo)
Phivolcs, nakapagtala pa ng 11 pagyanig sa Taal Volcano
Labing-apat pang pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Taal Volcano.
Ayon sa Phivolcs, nagbuga rin ang bulkan ng 900 metrong usok na tinangay ng hangin pa-hilagang silangan.
Nitong Hunyo 30, nagpakawala ang bulkan ng 1,165 toneladang sulfur dioxide na isa sa palatandaan patuloy pa rin ito sa pag-aalburoto.
Sinabi ng ahensya, naobserbahan din ang panandaliang pamamaga ng kanlurang bahagi ng Taal Volcano Island (TVI).
Kasalukuyang nasa Level 4 ang alert status ng bulkan.
Ipinagbabawal pa ring pumasok sa TVI, lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures dahil sa nakaambang phreatic explosions, volcanic earthquakes at pagbuga ng nakalalasong usok nito.